Diwa ng Pasko
Maligayang Pasko!
Ang Aming Alay
Ang “Diwa ng Pasko” ay isang awit na nilikha naming magkakaibigan at alay namin sa lahat ng Pilipino. Nawa’y makapagdulot ito ng kahit kaunting aliw sa inyo ngayong ang ating daigdig ay tila nababalot ng hapis.
Ang Aming Paanyaya
Inaanyayahan namin ang mga korong Pilipino na awitin “Ang Diwa ng Pasko”. Ipinamimigay namin nang walang bayad ang mga aklat at recordings upang ito ay mapag-aralan at maawit ng mga koro.
Ang Aming Hiling
Ang aming hiling lamang ay, sa tuwing ito ay inyong pakinggan, gumawa kayo ng isang kabutihan sa inyong kapuwa. Maaaring ito ay isang munting dasal tungo sa ikaliligaya ng inyong kaibigan o kaaway. O singlaki nang pag-ampon sa isang ulilang sanggol. Kayo na ang bahala. Nais lamang namin na ang awit ay magpasibol ng pagmamahalan.
Sa mga koro na nag-download ng mga aklat at recordings, nawa’y maluwat rin kayong makapagbigay ng anumang halaga, (gaano man kalaki o kaliit) sa mga charity organizations na aming inilista rito.
Ang Aming Buklod ng Pagkakaibigan
Kami ay isang buklod ng magkakaibigan na, nang nag-aaral pa sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas at nasa ilalim ng programa bilang 7405Ed ng National Science Development Board (na ngayon ay Department of Science and Technology), ay lumikha at nagtanghal ng mga palatuntunang musikal.
Matapos ang halos apatnapung tao’y natagpuan naming muli ang isa’t isa sa internet at nagkasundong buhaying muli ang aming musika.
“Ang Diwa ng Pasko” ay isang bagong awit na pinagtulungan naming isulat at awitin. Bagama’t kami ay watak-watak sa buong mundo, pinagsikapan naming mabuo ang lahat ng recordings galing sa kayraming sulok ng daigdig at malikha itong munting awit na sana ay makapagdulot ng kaunting aliw sa inyo.
Ang Aming Mungkahi
1. Ang awit ay hindi gagamitin sa anumang political na pakay o palatuntunan.
2. Ang awit ay hindi gagamitin upang kumita.
3. Ang titik at himig ng awit ay hindi babaguhin.
Ang Aming Pagtulong
Sa mga koro na nag-download ng mga aklat at recordings, maaring mag-abot nang anumang halaga sa mga Charity Organizations na nakalista rito. Wala kaming anumang kinalaman sa mga organisasyong ito. Maaari rin kayong mag-abot sa mga kawanggawang organisasyong hindi politikal na hindi naka lista rito. O kaya’y ipaalam sa amin kung may organisasyong nais ninyong maisama sa aming listahan. Nais lamang naming makatulong.
Ang Aming Awit
Maaaring i-download ang high-resolution version ng awit rito:
Maaari ring i-download ang mga indibidwal na aklat at recordings dito:
You may download all the files here:
Kung mayroon kayong mungkahi bukod sa mga nabanggit na aklat, maaari ninyo kaming sulatan sa proj7405@gmail.com
